Entry #44: High School Stereotypes according to Bob Ong

27 04 2009

Sa mata ng isang guro, may isang dosenang
klase lang ng high school students.

CLOWNS – ang official kenkoy ng class. May
mga one-liner na gumigising sa
lahat kapag nagkakaantukan na. Sabi ng
ilang teacher, eto raw yung mga KSP sa
klase na dahil hindi naman matalino, o
kadalasang matalino, na tamad lang, eh
dinadaan na lang sa patawa ang
pagpapapansin. Pero aaminin ko, walang
klaseng
walang ganito, at kung meron man,
magigigng malaking sakripisyo ang
pagpasok sa
skul araw- araw..

GEEKS – mga taong walang pakialam sa
mundo, libro, teacher, at blackboard lang
ang iniintindi. Kahit na mainit na ang ulo ng
teacher at bad trip, ang mga
geeks ang walang takot na lumalapit sa
teacher at nagtatanong kung mag-iiba ang
result ng equation kung isa-substitute ang
value ng X sa Y.

HOLLOW MAN -may 2 uri ng H.M virus, ang
Type A at Type B. Ang type A ay ang
student na madalas na invisible sa class,
bakante ang upuan, madalas absent.
Ang type B naman ang pumapasok sa skul
bagamat present eh inivisible naman ang
sagot sa mga quizzes, at hollow ang utak …

SPICE GIRLS – barkadahan ng mga
magkaka-ibigang babae mahilig gumimik,
sabay-
sabay pero laging late na pumapasok ng
room after recess. Madalas na may hawak
ng brush, at songhits. Pag pinagawan mo ng
group works, sila ang madalas na
magkaka-grupo…

DA GWAPINGS – ang male counterpart ng
Spice Girls, isinilang para magpa-cute.
Konti lang ang members nito, 2-3 lang para
mas pansin ang bawat isa. Tulad ng
Spice Girls, kadalasang puro Hair Gel lang
ang laman ng utak ng mga Da
Gwapings…

CELEBRITIES – Politicians, Athletes,
Performers. Politician ang mga palaban na
mag-aaral na mas nag-aalala pa sa
kalagayan ng skul at mga kapwa skulmates
kesa
sa grades nila sa Algebra. Athletes ang
ilang ‘varsitarians’ na kung gaano
kabilis tumakbo eh ganon kabagal
magbasa. Performers naman ang mga
students na
kaya lang yata pumapasok eh para
makasayaw, kumanta, at makatula sa stage
kapag
Linggo ng WIka.. Sa pangkalahatan, ang
mga celebs ay matinding PR, pero
mababang IQ..

GUINESS – mga record holders pagdating
sa persistence. Pilit pinupunan ang mga
kakulangan sa katalinuhan. SIla ang mga
kadalasang nagtatagumpay sa buhay.
Masinop sa projects, actibo sa recitation.
Paulit ulit magtaas ng kamay, kahit
na laging mali ang sagot…

LEATHER GOODS – mga estudyanteng
maling uri ng determinasyon meron. Laging
determinado ang mga ito sa harapang
pangongopya, bulgarang pandaraya, at
palagiang pagpapalapad ng papel sa
teacher. Talo ang mga buwaya sa
pakapalan…

WEIRDOS – mga problematic students,
misunderstood daw, kadalasang tinatawag
na
black sheep ng klase. May kanya-kanya
silang katangian, konti ang kaibigan,
madalas mapaaway, mababa ang grades, at
teachers’ enemy…

MGA ANAK NI RIZAL – Ang mga Endangered
Species kumbaga… Straight ‘A’
students pero well rounded at hindi geeks.
Teacher’s pet pero hindi sipsip.
Hari ng Math, Science, at ENglish, pero may
oras pa rin sa extra-curricular
activities, at gimiks.. Hanep!

BOB ONGS – Mga medjo matino na may
sayad…

COMMONERS – mga generic na member ng
class. Kulang sa individuality, at
katangiang umuukit sa isipan. Hindi sila
agad napapansin ng teacher pag absent,
at sa paglipas ng panahon, sila ang mga
taong nakakalimutan ng mga teachers at
classmates nila…

kayo, saan kayo nabibilang?!


Actions

Information

Leave a comment